Authenticity
Problema ko ito e. Sabi nila dapat daw magpakatotoo ako sa kung sino ako. And I try to do so -- alam ko na isa akong sarcastic, socially inept, palamura, could be cold, at walang pakialam sa mga bagay na walang kinalaman sa akin na uri ng tao. Ganito ako e. Hindi ako naninira ng ibang tao, ginagawa ko ang best ko na hindi makasakit ng iba lalo na dahil sa humor ko, kaya nga kapag feeling kong may na-offend ako, nagmemessage ako agad sa kanya para mag-sorry. Hindi ako 'yong warm na tao, lalo na sa umpisa. Kailangan pang lumalim ang relasyon ko sa isang tao para maipakita ko 'yong malambot kong side. Pero may mga taong nagsasabi na hindi ako dapat ganito. E ganito ako talaga e. Kailangan ko bang maging warm and cuddly para matanggap nila? I think that is very unfair para sa akin. If I be who I really am, people might get offended and get the wrong image of me. Pero if i change, I am not being who I really am. Anoooo?